Social Media Sharing Snapshot
In partnership with UCLA's Fielding School of Public Health and support from the Institute of American Cultures

COVID-19 コロナウイルス կորոնավիրուս 코로나 바이러스 कोरोनावाइरस

MULTILINGUAL RESOURCE HUB

#translatecovid #UCLAAASC #UCLAFSPH


COVID-19 Vaccine

 ↓ 

BAKUNA PARA SA COVID-19

MGA MADALAS ITINATANONG (FAQ)

Na-update noong 7/19/2021

Ano ang delta variant? Sino ang pinakananganganib na mahawa mula sa delta variant?
(Bagong Tanong)

Dumarami ang mga virus sa pamamagitan ng paggawa ng kopya ng kanilang mga sarili. Ang bawat kopya ay naiiba sa orihinal na virus at tinatawag itong mutation. Ang “delta variant” ay isang mutation ng virus na nagdudulot ng COVID-19. Mas nakakahawa ang variant na ito kaysa sa ibang bersyon ng virus. Posible rin itong magdulot ng mas matinding sakit.

Mas malaki ang panganib na magkaroon ng COVID-19 ang mga taong hindi nabakunahan.

Mabisa ba ang mga kasalukuyang bakuna para sa mga bagong strain ng virus?

Maaari. Maraming dalubhasa ang naniniwalang makakaprotekta ang mga bakuna para sa COVID-19 laban sa ilang bagong strain. Ngunit posible ring hindi masyadong mabisa ang mga bakuna laban sa ilang strain. Matagal ang bisa ng ilang mga bakuna, tulad ng bakuna para sa tigdas. Mas maikli ang bisa ng mga ibang bakuna at kailangang ma-update, tulad ng bakuna para sa trangkaso. Masyado pang maaga para malaman sa kaso ng COVID-19.

Sa ano’t ano pa man, napakahalaga pa ring magpabakuna ng kasalukuyang bakuna. Kumakalat pa rin ang pandemya. Kung mas maraming tao ang mababakunahan, mas mabilis na makokontrol ang pandemya.

Bakit mahalagang magpabakuna para sa COVID-19?

Makakatulong ang bakuna sa pagpigil na mahawaan ka ng COVID-19. Makakatulong din ito sa atin para mas mabilis na masugpo ang pandemya.

Masyadong malubha at nakakahawa ang sakit na COVID-19. Mahigit-kumulang 350,000 Amerikano na ang namatay dahil dito noong 2020. Kung ihahambing ito, may 34,000 Amerikanong namatay dahil sa pana-panahong trangkaso noong 2019. Kung magpapabakuna ka, matutulungan mo ang iyong sarili at mga iba pa na manatiling ligtas sa COVID-19.

Paano nagkakabisa ang bakuna para sa COVID-19?

Tinutulungan ng bakuna ang iyong katawan na matukoy ang virus na nagiging sanhi ng sakit na COVID-19. Sa sandaling matukoy na ng iyong katawan ang anyo ng virus, malalabanan na ng resistensiya o defense system ng iyong katawan ang virus.

Ipaliwanag mo pa sa akin. Paano ka pinoprotektahan ng mga bakuna laban sa mga virus?

Natural na lumilikha ang iyong katawan ng mga antibody para labanan ang mga mapaminsalang virus na pumapasok sa iyong katawan. Gayun pa man, kailangang matukoy ng mga antibody kung aling mga virus ang lalabanan. Maaaring pumasok ang bagong virus sa iyong katawan nang hindi natutukoy ng mga antibody. Kung mangyayari ito, maaaring umatake ang virus bago pa malabanan ng iyong katawan. Sinasanay ng bakuna ang iyong katawan para mabilis na matukoy ang mapaminsalang virus, at gumawa ng mga antibody upang labanan ito. Walang bakuna ang naglalaman ng anumang buhay na virus kaya hindi ka dapat mag-alala na magkaka- COVID-19 ka.

Dapat ba akong magpabakuna para sa COVID-19 ?

Hinihikayat namin magpabakuna ang lahat ng kwalipikado. Maaaring magpabakuna ang sinumang 12 taong gulang pataas sa US. Regular na makipag-ugnayan sa ahensyang pangkalusugan ng inyong lokal na pamahalaan o sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC) para sa mga pinakabagong update.

Gayun pa man, dapat ka munang magpakonsulta sa iyong doktor kung nagdadalang-tao ka. At hindi ka dapat magpabakuna kung nagkaroon ka noon ng anumang malalang allergic reaction sa anumang sangkap ng bakuna. Kausapin ang iyong doktor kung may kasaysayan ka sa mga allergic reaction o kung may mga tanong.

Ligtas ba ang bakuna para sa COVID-19?

Oo. Inaaprubahan lang ng U.S. Food and Drug Administration (FDA) ang mga bakuna pagkatapos na mapag-alamang ligtas at mabisa ang mga ito. Upang maaprubahan ang bakuna, sinusubukan ng mga siyentipiko ang bawat bagong bakuna sa maraming tao upang matiyak na ligtas at mabisa ang mga ito.

Sinubukan sa mahigit na 40,000 Amerikano ang bakuna ng Pfizer, sinubukan sa 30,000 ang bakuna ng Moderna, sinubukan sa 39,000 ang bakuna ng Johnson & Johnson na Janssen. Ipinakita ng mga pagsubok na ito na ligtas at mabisa ang mga bakunang ito. Dahil dito, inaprubahan ng FDA ang mga bakunang gawa ng Pfizer, Moderna, at Johnson & Johnson, simula sa pang-emergency na paggamit. Marami pang bakuna ang sinusuri para maaprubahan at malamang na magagamit sa hinaharap.

Kung mabilis na naaprubahan ang bakuna, paano ito magiging ligtas?

Sinusubukan ang kaligtasan at bisa ng bawat bagong bakuna. Pati ang Operation Warp Speed na nagpapabilis sa pagsubok ng bakuna. Gayun pa man, kahit mas mabilis ang pagsubok, sumailalim ang bakuna sa lahat ng karaniwang hakbang upang matiyak na ligtas ito.

Sumasailalim ang pagsubok ng mga bakuna sa tatlong pangunahing phase (Phase I, Phase II, Phase III na mga klinikal na pagsubok). Sa Phase I, binabakunahan ng mga doktor ang mga boluntaryo. Nakapagbibigay ang pananaliksik na ito ng impormasyon kung gaano karaming bakuna ang dapat ibakuna, at inisyal na ideya tungkol sa kaligtasan ng bakuna. Sa Phase 1, kakaunting tao lang ang makakatanggap ng bakuna dahil bagung-bago pa lang ito. Kung lumalabas nang ligtas ang bakuna, susubukan pa ulit ito sa Phase II.

Sa Phase II, susubukan ang bakuna para malaman kung gaano ito kabisa, at aalamin ang mga side effect. Kung lumalabas na ligtas at mabisa ang bakuna, magpapatuloy ito sa Phase III.

Sa Phase III, babakunahan ang mahigit sa 30,000 tao upang makakuha ng mas detalyadong impormasyon tungkol sa bisa at kaligtasan ng bakuna sa mga iba’t ibang populasyon.

Sa karaniwan, inaabot ng maraming taon ang tatlong phase na ito. Dahil kailangan nito ng oras upang makalikom ng pondo upang subukan ang mga bakuna, maglakad ng mga papeles, at humanap ng mga boluntaryo. Nakatulong ang Warp Speed para mas mapabilis ang pananaliksik sa pamamagitan ng pagbigay ng pondo at pagpapabilis ng paglalakad ng mga papeles. Kaya nasubukan ang mga bakuna para sa COVID-19 sa tatlong Phase at naipakitang ligtas at mabisa ang mga ito.

Kailan ako mababakunahan? Paano ako makakapagpabakuna?

May kanya-kanyang paraan ng pagbabakuna ang bawat estado, county at lungsod. Maaari kang magtanong sa iyong doktor, pinagtatrabahuhan, o lokal na kagawarang pangkalusugan. May website ang Centers for Disease Control and Prevention na makakatulong para mahanap mo ang inyong lokal na kagawarang pangkalusugan.

https://www.cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/vaccines/index.html

Maraming tsismis at haka-haka tungkol sa bakuna. Saan ako makakakuha ng totoo at tama na impormasyon?

Ang pinakamabuting mapagkukunan ng tamang impormasyon ay ang iyong doktor o ang website ng ahensiyang pangkalusugan ng pamahalaang U.S. na tulad ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) o kagawarang pangkalusugan ng estado o lokal na county.

Magkakaroon ba ako ng COVID-19 dahil sa bakuna?

Hindi. Hindi ka magkakaroon ng coronavirus (na kilala rin bilang SARS-CoV2) dahil hindi naglalaman ang mga bakunang inaprubahan ng FDA ng buhay na virus na sanhi ng COVID-19.

May ipapasok bang microchip sa aking katawan ang bakuna? Makukunan o mababaog ba ako dahil sa bakuna? Babaguhin ba nito ang aking DNA?

Hindi. Hindi totoo ang mga ideyang ito.

Ano ang mga karaniwang side effect ng bakuna para sa COVID-19?

Maaaring magkaroon ng side effect ang ilang tao sa mga pinapahintulutang bakuna. Normal ito. Kasama sa mga karaniwang side effect ang:

  • Pananakit sa pinagturukan, pati na rin sa mga ibang kalamnan at kasu-kasuan
  • Pagkahapo
  • Banayad na lagnat
  • Pananakit ng ulo
  • Pagkaramdam ng sobrang pagkaginaw
  • Pagkaramdam na parang susuka
  • Pananakit ng kalamnan

Ang mga side effect ay banayad, ngunit mas madalas itong mararamdaman pagkatapos ng pangalawang bakuna. Nawawala ang karamihan ng mga side effect pagkalipas ng 1-2 araw. Kausapin ang iyong doktor kung lulubha o hindi mawawala ang iyong mga sintomas makalipas ang ilang araw.

Posibleng maging allergic ka sa bakuna. Kausapin ang iyong doktor bago magpabakuna kung may kasaysayan kang mga allergic reaction.

Kung nagkaroon na ako ng COVID-19, dapat pa rin ba akong magpabakuna?

Oo. Inirerekomenda ng mga doktor na magpabakuna kahit na nagka-COVID-19 ka na. May ulat na ang ilang mga taong nagkasakit ng COVID-19 ay muling nagka-COVID-19.

Kailangan ba akong magpabakuna para sa COVID-19 kung nagdadalang-tao o nagpapasuso ako?

Maaari. Sa kasalukuyan, lumalabas na ligtas ang bakuna sa mga nagdadalang-tao, ngunit hindi tayo nakasisiguro. Gayun pa man, wala pang sapat na pananaliksik, pero maaari natin itong malaman sa hinaharap.

Kumonsulta sa iyong doktor. Sinasabi ng U.S. Centers for Disease Control and Prevention (CDC) at ng American College of Obstetricians and Gynecologists na personal itong desisyon. Maaari kang pumunta sa kanilang mga website para sa mas marami pang impormasyon.

https://www.cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/vaccines/recommendations/pregnancy.html

https://www.acog.org/covid-19/covid-19-vaccines-and-pregnancy-conversation-guide-for-clinicians

Gaano kabisa ang bakuna?

Ang mga bakunang mula sa Moderna at Pfizer ay halos 95% mabisa sa pagpigil na magka-COVID-19 ang mga tao. Nangangahulugan itong ang tsansang magka-COVID-19 ka ay humigit-kumulang na mas mababa ng 95% kung magpapabakuna ka kaysa kung hindi ka kailanman magpapabakuna. 66% mabisa ang Johnson & Johnson, na napakabisa pa rin. Para sa layunin ng paghahambing, karaniwang 40-60% mabisa ang bakuna laban sa influenza (flu o trangkaso).

Mayroon pa ring maliit na posibilidad na magkaroon ka ng COVID-19 kahit na nabakunahan ka. Ngunit kailangan mo pa ring magpabakuna dahil pinapababa nito nang napakalaki ang posibilidad na maospital o mamatay ka dahil sa COVID-19.
Dapat ka pa ring magsuot ng mga mask, madalas na maghugas ng kamay at mag-social distancing ayon sa rekomendasyon sa ilalim ng mga pinakabagong gabay na inilabas ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC).

Maaari bang bakunahan ang aking mga anak (mas bata sa 12 taong gulang)?

Pinag-aaralan ngayon ng mga siyentista ang kaligtasan at pagiging mabisa ng mga bakuna sa mga bata. Regular na makipag-ugnayan sa ahensyang pangkalusugan ng inyong lokal na pamahalaan o sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC) para sa mga pinakabagong update.

Anong mga bakuna ang available sa Estados Unidos?

Sa ngayon, mayroong tatlong bakunang laban sa COVID-19 sa U.S. Ang mga ito ay gawa ng Pfizer BioNTech, Moderna, at Johnson & Johnson/Janssen.

Ano na ang ligtas na gawin ngayong nabakunahan na ako?

Kailangan mong maghintay ng hanggang 2 linggo pagkatapos ng huli mong bakuna bago ka maituturing na “ganap na nabakunahan.” Para sa mga bakuna ng Moderna at Pfizer, ganap kang nabakunahan makalipas ang 2 linggo pagkatapos ng iyong pangalawang bakuna. Para sa bakuna ng Johnson and Johnson, ganap kang nabakunahan makalipas ang 2 linggo pagkatapos ng iyong una (at nag-iisang) bakuna.

Kung ganap ka nang nabakunahan, maaari magagawa mo na ang mga bagay na tulad ng:

  • Manatili sa loob kasama ng ibang ganap na nabakunahang tao. Maaari kayong mas malapit sa 6 na talampakang pagitan sa isa’t isa. Hindi ninyo kailangang magsuot ng mask.
  • Manatili sa loob kasama ng mga hindi pa nabakunahang tao mula sa ibang bahay. Maaari kayong mas malapit sa 6 na talampakang pagitan sa isa’t isa at hindi magsuot ng mask. Maliban na lang kung may mga problemang pangkalusugan ang mga taong iyong na maaaringikasakit nila ng malubha ng COVID-19. Sa ganitong pagkakataon, dapat kang magsuot ng mask at magkaroon ng social distancing para mapanatili silang ligtas, kahit na nabakunahan ka.
  • Manatili sa labas nang walang mask, maliban kung matao. Kung matao, mangyaring magsuot ng mask at subukang magpanatili ng 6 na talampakang pagitan sa isa’t isa.

Kahit nabakubahan ka na, dapat ka pa ring umiwas sa maraming tao, lalo sa loob.
Para sa mas marami pang impormasyon, bisitahin ang:
https://www.cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/vaccines/fully-vaccinated.html

Ano ang mga pangmatagalang epekto ng virus ng COVID-19?

Maaaring magdulot ng problema Ang COVID-19 ay maaaring maging sanhi ng mga problema kahit na gumaling ka na. Kabilang sa mga pangmatagalang problema ang:

  • Pagkahapo
  • Kakapusan ng hininga o hirap sa paghinga
  • Ubo
  • Pananakit ng kasu-kasuan
  • Pananakit ng dibdib
  • Mga problema sa memorya, konsentrasyon, o pagtulog
  • Pananakit ng kalamnan o ulo
  • Mabilis na pagtibok o pagkabog ng puso
  • Kawalan ng pang-amoy o panlasa
  • Depresyon o pagkabalisa
  • Lagnat
  • Pagkahilo kapag tumatayo

Bagama’t bihira ang mga pangmatagalang sintomas, maaaring maapektuhan ng mga ito ang kahit na malulusog na tao at maaari nitong maapektuhan ang mga taong nagkaroon ng katamtaman o walang sintomas ng COVID-19. Ang pag-iwas sa panganib na ito ang pinakamahalagang dahilan para magpabakuna.

Sino ang mga kasama sa klinikal na pagsubok?

Kasama sa mga klinikal na pagsubok para sa COVID-19 ang mga taong nagmula sa lahat ng lahi at etniko, at napag-alamang ligtas at mabisa ang mga bakuna para sa lahat ng tao mula sa lahat ng background.

Saan ako makakakuha ng mga sagot sa mga iba pang tanong sa bakuna?



 

Website link of resource titled: . Find a walk-in clinic or appointment Maghanap ng walk-in na klinika o magpaiskedyul ng appointment ngayon
Find a walk-in clinic or appointment
Guide to help find a COVID-19 vaccine walk-in clinic or appointment by zip code
[View Tagalog Version]  [View English Version]
Topic: How to Be Safe
Source: California Department of Public Health (CDPH)

PDF file of resource titled: . No Health Insurance? Need COVID-19 Services? WALANG HEALTH INSURANCE [segurong pangkalusugan]? NANGANGAILANGAN NG MGA PAGLINGKOD SA COVID-19?
No Health Insurance? Need COVID-19 Services?
An informative flyer from the Health Resources and Services Administration about free COVID-19 testing, treatment, and vaccines available for people without health insurance.
[View Tagalog Version]  [View English Version]
Topic: How to Be Safe
Source: Hawaii State Department of Health

PDF file of resource titled: . FACT CHECK: COVID-19 Vaccines do not affect fertility SURIIN ANG KATOTOHANAN: Ang mga Bakuna sa COVID-19 ay hindi nakakaapekto sa pertilidad
FACT CHECK: COVID-19 Vaccines do not affect fertility
An article disproving the myth that COVID-19 vaccines affect fertility.
[View Tagalog Version]  [View English Version]
Topic: How to Be Safe
Source: Los Angeles County (CA) Department of Public Health

PDF file of resource titled: . FACT CHECK: Getting a COVID-19 vaccine will not implant you with microchips or needles SURIIN ANG KATOTOHANAN: Ang pagkuha ng bakuna sa COVID-19 ay hindi ka tataniman ng microchips o mga karayom
FACT CHECK: Getting a COVID-19 vaccine will not implant you with microchips or needles
An article disproving the myth that COVID-19 vaccines will implant people with microchips or needles.
[View Tagalog Version]  [View English Version]
Topic: How to Be Safe
Source: Los Angeles County (CA) Department of Public Health

PDF file of resource titled: . FACT CHECK: Getting a COVID-19 vaccine will not cause you to shed the virus SURIIN ANG KATOTOHANAN: Ang pagkuha ng bakuna sa COVID-19 ay hindi magsasanhi sa iyo na mailabas ang virus
FACT CHECK: Getting a COVID-19 vaccine will not cause you to shed the virus
An article disproving the myth that COVID-19 vaccines can cause people to shed the virus.
[View Tagalog Version]  [View English Version]
Topic: How to Be Safe
Source: Los Angeles County (CA) Department of Public Health

PDF file of resource titled: . COVID-19 Vaccine Scams Mga Panloloko sa Bakuna sa COVID-19
COVID-19 Vaccine Scams
A document explaining how to identify a COVID-19 vaccine scam and warning readers to be wary of potential COVID-19 vaccine scams.
[View Tagalog Version]  [View English Version]
Topic: How to Be Safe
Source: Los Angeles County (CA) Department of Public Health

PDF file of resource titled: . COVID-19 VACCINE AND FETAL CELL LINES BAKUNA SA COVID-19 AT MGA LINYADA NG FETAL CELL
COVID-19 VACCINE AND FETAL CELL LINES
A document explaining the usage of fetal cells in production of the Johnson-and-Johnson vaccine.
[View Tagalog Version]  [View English Version]
Topic: How to Be Safe
Source: Los Angeles County (CA) Department of Public Health

PDF file of resource titled: . Community Immunity Imyunidad ng Komunidad
Community Immunity
A flyer explaining the benefits of community immunity and urging the public to get vaccinated.
[View Tagalog Version]  [View English Version]
Topic: How to Be Safe
Source: Los Angeles County (CA) Department of Public Health

PDF file of resource titled: . Vaccine Facts for Teens Mga Bakuna sa COVID-19: Ang kailangang malaman ng mga kabataan
Vaccine Facts for Teens
Infographic about the COVID-19 vaccine catered towards teens.
[View Tagalog Version]  [View English Version]
Topic: How to Be Safe
Source: Los Angeles County (CA) Department of Public Health

PDF file of resource titled: . Vaccine Frequently Asked Questions for Parents & Guardians Mga Bakuna sa COVID-19 sa mga Kabataan: MGA MADALAS NA TANONG PARA SA MGA MAGULANG AT TAGAPAG-ALAGA
Vaccine Frequently Asked Questions for Parents & Guardians
Extensively answered frequently asked questions about COVID-19 vaccines for youth.
[View Tagalog Version]  [View English Version]
Topic: How to Be Safe
Source: Los Angeles County (CA) Department of Public Health